@ 2007 Diocese of

Home

Bishop Stude

 

Three Homilies about the movements of a Parish Priest during his Installation (2012):

Stand, Kneel, Receive, Walk and Sit

 

First Homily:

 

Congratulations Father _____ sa pagtanggap at pagtatalaga sa iyo bilang kura paroko ng Parokyang ito. Maraming salamat sa Panginoong Diyos sa pagpili, sa paghirang at pagsusugo ng mga mabubuting pari dito sa ating minamahal na Diyosesis ng Balanga. Maraming salamat po sa inyo mga kapatid dito sa Parokya ng _______ sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan sa amin at sa inyong mga minamahal ng pari.

Sa ating pagdiriwang ng pagtatalaga nais kong pagnilayan natin ang iyong magiging kilos. Ano ang mga ito? Ikaw ay tatayo na haharap sa akin at sa Diyos. Ikaw ay luluhod at tatanggapin mula sa akin ang susi ng tabernakulo. Ikaw ay akin ilalakad patungo sa kumpisalan at sa lugar ng pagbibinyag. Ikaw ay akin iuupo sa iyong silya.

Maganda at malalim ang kahulugan ng iyong pagkilos. At pagnilayan natin ang pagtayo at pagharap. Sa mga susunod na dalawang pang installations ang pagluhod, paglakad at pag upo.

Pagtayo

Ikaw ay tumindig. Tumayo. Ang pagtayo ay nangangahulugan ng pagkilos. Nakaporma ika nga. Ikaw ay handa. Ikaw ay gagalaw. Ikaw ay gagawa. Ang iyong pagtayo ay nagsasaad ng pagtugon at pagsunod. Para bang sinasabi mo heto ako, ako na. I am here. I am available. Samakatuwid hindi ka tagamasid. Hindi ka tagatanaw. O kaya titingin na lamang. Ikaw ay tatayo para sa kanila sa katauhan ni Kristo. Ikaw ay tatayo na mananagot sa Diyos alang alang sa kanila.

Kaya naman, bilang kura paroko hindi mo sila pababayaan. Hindi sila iiwanan. Hindi mo sila iisahan. Ang lahat ng sa iyo: oras, husay at yaman na para sa Diyos ay para rin sa kanila. Ang lahat ay ating iaalay sa Diyos. Ang lahat ay ating ilalaan sa kanila.

Tumatayo ka sa kanila para kay Jesus. At tumatayo ka kay Jesus para sa kanila. Kaya naman, bilang kura paroko: hindi mo idadahilan hindi pa ako kumakain, hindi pa ako nagsisiesta. Bilang kura paroko, hindi mo sasabihin, teka muna pamilya ko muna. Bilang kura paroko, hindi mo titignan, ano ba ang apra sa akin?

Sa pagtayo ay ating ipinakikita, ipinamamalas o ipiniprisinta ang ating sarili. Na tayo sa harap ng Diyos ay malinis, karapat dapat at maayos. Sa harap ng Diyos at sa Kanyang bayan tayo ay walang tinatago o inililihim. Tayo ay nakatayo na taas noo. Walang ikinahihiya. Walang baggage or walang issue. Ito ang sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Colosas, “maiharap kayo sa kanya bilang mga banal, walang dungis, at walang kapintasan” (1,22). Samakatuwid ang ating mga gawain at ginagawa ay tulad ng bilin ni San Pablo sa mga taga Efeso, “walang bahid, mantsa, at walang dungis” (5,27).

Mga kapatid, mangyari pa tayo po ay tumayo para sa ating mga pari. Ang ating pagtayo ay nangangahulugan ng ating pagdamay at pakikipagtulungan sa kanila. Ang ating pagtayo ay nagsasaad na tayo hindi lalayo, hindi tatalikod sa kanila. Tayo ay kanilang kasama, kaisa at kapiling. Hindi kaaway. Hindi kaalaban. Hindi pasaway.

Pagluhod

Ikaw ay luluhod. Ang pagluhod ay larawan ng kababaang loob. Ibinababa natin ang ating sarili sa harap ng Diyos. Ito ay pagkilalala sa kapangyarihan at kabutihang loob ng Diyos. Ang pagluhod ay pagdarasal. Sa ating pagdarasal tayo ay nagsusumamo sa Diyos na tayo ay gabayan. Tayo ay tulungan. Sa pagluhod, kinikilala natin ang kapangyarihan ng Diyos. At sa ating pagdarasal hinihiling natin na tayo palakasin sa gitna ng pagsubok at kahirapan. Tayo ay pagtagumpayin laban sa kasalanan at kasamaan.

Bilang pari ikaw at ako ay kanilang lalapitan at sasabihin sa atin, “Padre, ipagdasal mo po ako. Padre isama po ninyo ang aking mahal sa buhay na may karamdaman. Ipanalangin po ninyo kami na maglalakbay, na kukuha ng test sa nursing, na kami iinterviewhin para sa visa. Ipagmisa po ninyo ako sapagkat anibersayo namin.

Father ______, palagi kang lumuhod. Palagi kang tumawag sa Diyos. Palagi kang magdasal. Huwag sabihin busy ako. Huwag mong idahilan pagod. Huwag ikatwiran na ang gawaing pastoral ay ang aking panalangin. Maganda na ang bitbit mo ay Breviary and not much of Ipad. Maganda ang palaging mong dala ay Rosary and not so much of cellphone. Maganda na ikaw ay palaging nakaluhod kaysa nakatutok sa Facebook.

Mga kapatid, tayo rin po ay lumuhod para sa atin mga pari. Sila po ay ating ipagdasal. Alagaan po natin sila sa pamamagitan ng ating mga panalangin.

Ang dating Santo Papa na si Beato Juan Pablo Ikalawa ay tinanong ng isang reporter. “ano po ba ang pinamagandang pangyayari sa inyong buhay bilang Papa?” At nagpatuloy ang reporter na ito sa kanyan tanong, “ito po ba noong kayo ay nahirang bilang Papa?” Ang tugon ng Papa ay hindi. “ito po ba ang pagbagsak ng Berlin Wall at ang wakas ng Communism? Negative pa rin ang kasagutan ng Papa. “Siguro po ay ang Christian Unity?” Nagsalita si Beato Juan Pablo Ikalawa, “ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ng isang Papa o kaya sinuman tao ay kung kailan lumuluhod upang manalangin” (it is when Pope kneels in prayers).

Matapos tumayo, lumakad o maupo. Matapos gumawa, kumilos o tumahimik. Tayo po ay dapat lumuhod upang manalangin. At ipanalangin ninyo kami, kami na inyong mga pari.

 

Second Homily:

 

Pagtanggap ng susi

Ang susi ay pananagutan. Ang susi ay katungkulan. Ang sino man may hawak ng susi ay may pinaghahawakang kapangyarihan. Ang sino man pinagkalooban ng susi ay pinagkatiwalaan. At ito ay ipinamalas ni Jesus kay Simon Pedro, na Kanyang winika “I will give you keys of the kingdom of heaven; whatever you bind on earth shall be bound in heaven, and what you unbind on earth shall be unbound in heaven” (Mathew 16,19).

Bilang may hawak o binigyan ng susi ikaw ay nararapat na mamuno at manguna para sa kanila. Hindi ka sa huli. Hindi ka ang hinihintay. Hindi ka sabit o saling pusa. Pangunahan mo sila at pamunuan. Bilang tumanggap ng susi, sila ay iyong iingatan na matali sa Diyos. Ikaw ay may tungkulin na sila ay alagaan at kalagan mula sa kasalanan. You are in control. You direct them. You lead them. But not to yourself, only for Jesus and only to Jesus.

Mga kapatid ko kay Kristo, ang pianghahawakan natin ay si Jesus. Tayo ay nararapat nakatingin, nakatutok at nakatanikala kay Jesus. Hindi po sa pari. Hindi po sa Obispo. Tayo ay katuwang nila. Kaisa at hindi sagabal. Karamay at hindi kalaban o karibal.

Ang masarap matanggap ay si Jesus. Ang magandang ibigay ay si Jesus. At kapag si Jesus ay atin nang tinanggap, ingatan natin na hindi mawawala si Jesus sa ating buhay, at sa ating mga puso. Si Jesus ay ang susi sa buhay na maayos at mapayapa. Si Jesus ay ang susi tungo sa buhay na walang hanggan.

Let me tell you this story. They were on hiking, climbing a very high, steep yet a very beautiful mountain along the Alps. Noong malapit na sila sa tuktok ng bundok, isang lalaki ay nagmamadaling tumakbo sa itaas, nagnanais makita ang magandang ang view. Datapuwa’t sa itaas ay malakas ang dagsa ng hangin. At siya ay kamuntik ng tangayin ng hangin. Buti na lang at siya ay nahawakan at naalalayan ng bihasang guide. Siya ay sinabihan, “luhod po kayo. Kayo ay ligtas kapag kayo ay nakaluhod. On yoru knees. You are safe here only on your knees.

Sometimes in our priestly ministry we are so eager to do everything, to accomplish anything. Sometimes we measure our success by what we built, formed, composed or written. There were times we become over-zealous or too much structured. Don’t hurry up. Bend your knees. Kneel before Jesus. Stay with Jesus at the Blessed Sacrament. The key in your hand is no longer power or position. It is Jessu. It is the Lord.

Sometimes in our priestly ministry we are so preoccupied with trivial things and unnecessary matters. We are worried with the outcome of our projects or too anxious how people will accept us or talk about us. Be patience. Be persevering. Bend your knees. Be on your knees to Jesus. Surrender yourself to Him. Turn to Jesus and pray to Him on your knees. The key in your hand is not prestige to perks. It is Jesus. It is to be with Jesus, to be open to Him and close to Him. Prophet Isaiah reminds us “upon his shoulder I will place the key of the House of David: what he opens, no one shall shut; what he shut, no one shall open” (22,22).

Tulad ng sinabi ko sa iyo, “tanggapin mo ang susi na ito at ingatan ang kayamanan ng Simbahang ito na walang iba kundi si Jesus mismo” Si Jesus ang ating dakilang pag-aari. Siya ang ating gantimpala. Siya ang ating tagumpay. Fra Angelico affirmed “he who does Christ’s work must stay with Christ always.”

Paglakad

Ikaw ay lalakad. Subalit ikaw ay lalakad patungo sa tao. Hindi patalikod. Hindi paatras. Hindi paurong. Hindi mo sila iiwan. Hindi mo sila pababayaan. Bagkus lalakad ka upang dalhin at iharap mo sila sa unang mong pupuntahan-ang lugar ng pagbibinyag, at pagkatapos sa lugar ng kumpisalan.

Magandang pagnilayan sapagkat ang dalawang Sakramentong ito: Binyag at Kumpisal ay nagpapamalas ng “pagtatali” at “pagkakalag.” Binigkas ni Jesus noong Siya ay muling nabuhay, “for those whose sins you forgive, they are forgiven; for those whose sins you retain, they are retained” (John 20,23). Ang Binyag at Kumpisal ay parehas nagpapatawad ng kasalanan. Sa pamamagitan nila tayo ay nakalalaya sa pagkabihag ng Diyablo. At naibabalik sa ating ang karangalan na maging anak na muli ng Diyos Ama at tagapagmana ng Langit.

Ang Biyag ay pagpasok natin sa pagka-Ama ng Diyos at sa bayan ng Diyos. Ang kumpisal ay nagpapanauli sa ating karangalan na maging anak ng Diyos at kapatid ni Jesus. Ang dalawang ito ay nagpapatunay ng awa at habag ng Diyos. Ang Sakramentong ito ay larawan ng pag-ibig ng Diyos.

Sa iyong paglakad patungo sa kanila at para sa kanila ay ipadama mo sa kanila ang awa at habag ng Diyos. Ipalasap mo sa kanila ang iyong pangangalaga at pagiging ama. Hindi naninisi. Hindi humahatol. Hindi nagpaparusa. Bagkus nagkakalag mula sa masama at nagtatali sa mabuti. Sa iyong paglakad na kasabay nila, ibahagi at isabuhay mo ang pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos. Ang iyong pagiging kura paroko ay pagiging ama. Hindi barkadahan. Hindi sosyalan. Hindi pasyalan. Ang iyong pagkapari ay pagiging pastol: naglalakad, naghahanap at gumagabay sa kanyang mga tupa.

Mga minamahal kong kaaptid kay Kristo, tayo po ay sumabay sa paglaakd sa ating pari. Tayo po ay katuwang, hindi sagabal. Tayo po ay kasama, hindi pabigat. Sa ating paglalakad tayo po ay amgkasabay at magpaakay. At ang ating lalakarin ay ang dinaanan ni Jesus. Ang ating tatahakin ay ang patungo sa Diyos Ama, ang daan ng krus ni Jesus.

Sa pagharap natin kay Jesus o sa paghahatid nating ating kawan kay Jesus nawa’y mawika rin natin ang panalangin ni San Francisco ng Assisi sa krus ng San Damiano:

Most high, glorious God

enlighten the darkness of my heart

and give me true faith, certain hope and perfect charity,

sense and knowledge,

Lord, that I may carry out Your holy and true command.

Amen.

 

Third Homily:

A man was discouraged because there were so many hardships and trials in his life. He was always searching for answer. One day he had a dream. He was face to face with God. And he asked Him, “Lord, why are there were so many mountains in my life? Why I have to climb so many mountains here on earth?”

God on His tenderness replied, “son, it is for you to have a better and brighter view in life.”

Pag-upo

After we walked from baptism font and confessional box we proceed to the altar. Then I will make you sit down in your chair. Mula rito sa iyong pagka-upo higit mo silang makikita. Mula sa iyong upuan mapayapang mo na sila ay higit na mamamalas, mapagmamasdan. You can see them better. you can see them all. You have a wider view.

Datapuwa’t ang pag-upo ay hindi upang magpahinga. It is not to rest or to relax. It is not to observe. Ang iyong pag-upo bilang kura paroko ay nagangaluhugan ng dalawang bagay. Una, ito ay tanda ng iyong kakayahan at pananagutan na magturo. It is your teaching authority. You perform your prophetic ministry. Ikaw ay nararapat magpahayag ng Salita ng Diyos. Ikaw ay nararapat mangaral, magbigay payo at magsalita tungkol sa pananampalataya at moralidad. Hindi tayo mananahimik kapag ang buhay ay hindi na iginagalang o kinikitil sa sinapupunan. Hindi tayo mananahimik kapag ang kalikasan ay inaaksaya o sinisira. Hindi tayo magsasawalang kibo kapag ang sugal, casino at night clubs ay ninanais na maitayo sa ating lugar.

Magsasalita tayo ng totoo, ng tapat at ng tunay. Hindi natin sasabihin ang gusto nilang marinig. Hindi natin sasabihin kung ano lamang ang pabor sa atin. Magsasalita tayo ng mga nasabi, naituro at nagawa ng ating Panginoong Jesus. Ituturo natin ang pamamaraan at kalooban ng Diyos. Hindi ang atin sariling opinion or personal interpretation. Hindi yun kung ano ating napanoon sa sine o naresearch sa internet. Ang ating ipahahayag ay ang katusan ng Diyos at mga aral ng Inang Simbahan. At higit sa lahat tulad ng ating sinumpaan noong tayo ay inordenan, “we practice what we preach. And we live what we believe.” Mangyari pa an gating mga salita ay tutumbasan natin ng pagkilos. Ang ating mga binigkas mula sa ating mga bibig ay ating ipapakita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa mula sa ating mga kamay.

Ikalawa, ang pag-upo ay tanda ng pagiging handa na makinig sa kanila. Ito ay paglalaan ng panahon upang sila ay makadaung palad, makapagsalita sa atin at mapakinggan. We sit down, that is, to make them feel comfortable, at ease and assured. Sa ating pag-upo hinahayaan at inaanyayahan natin na sila ay lumapit sa atin, at ilahad sa ating ang nilalaman ng kanilang damdamin. We sit down and this is for us to be silent, to ponder and reflect what being said or shared. We sit down in expectation of a message or of an instruction. The gospel of Saint Luke tells us about “Mary who sat down at the Lord’s feet to listen to his words” (10,39).

When we sit done, it is calm down and to listen attentively and to focus our better attention and sight. And we listen with open heart and open mind. Saint Paul in his second letter to Timothy urged us to do, that is, “convince, rebuke, and encourage, with the utmost patience in listening” (2Tim 4,2).

As you sit down, your people will come to you to kiss your hand or ask your blessings as they will do today in your installation as their parish priest. When you sit down in your parish office, they will also come to you-to pay their respect, or solicit your help or listen to your advices. As their pastor what you have to do? Let them sit, that is, let them feel comfortable with you. They are most welcome. You have all the time for them. The gospel of Saint John attests the approachability and availability of Jesus, always trying to share, to communicate and to impart lessons as He did with the Samaritan woman, “tired from his journey, Jesus sat down by the well” (4,6). Don’t hurry up. Don’t jump to conclusion. Let them discuss all the matters. And we are not there to dominate or to criticize. We sit down to accompany them and arrive to a beneficial and beautiful result.

When a conclusion is needed, decide not on feelings, not on emotion but based on faith and morals. Decide not because of affinity nor out of gratitude but for God’s greater glory and for the good of the community. We sit down with them and for them to reach a favorable and fruitful solution. Saint Paul in his first letter to the Thessalonians writes, “and we urge you, beloved, to admonish the idlers, encourage the faint hearted, help the weak, be patient with all of them. See that none of you repays evil for evil, but always seek to do good to one another and to all” (1Thess 5, 17).

item3
Diocese of Balanga
(Bataan, Philippines)