Home

DYM Main

DYM Report Form

What: CLRYM Annual Youth Conference

Where: B.T.P.I. Morong

When: January 28-31, 2011

CLRYM Annual Youth Conference

 

Let your light shine…. Tunay na nagliwanag ang Kabataan ng Central Luzon noong nakaraang Annual Youth Conference na ginanap noong January 28-31, 2011 sa BTPI Morong, Bataan. Sa unang araw pa lamang ay binulaga na sila ng kabataan ng Parokya ng San Juan Bautista ng Dinalupihan sa kanilang maiinit na pagtangap, sabi nga ng isa nating bisita,”sobrang init dahil my bumubuga pa ng apoy, nagulat ako.” At sinundan pa ito ng very inspiring homily ng ating mahal na obispo Ruperto Santos sa kanyang misa sa chapel ng St. Francis of Assisi sa BTPI. Nagkaroon din ng Dinner with the Bishop ang mga delegates, kasabay din nito ang pagpopropose ni Comadore Amado Sanglay na ang BTPI ay gawing isang Pope John Paul II shrine, at ito ay sinangayunan ng ating mahal na Obispo. Sinundan ito ng walking rosary at good night talk.

Magaan na kalooban naman ang bunga ng Ikalawang araw ng conference dulot ng kanilang karanasan sa Recollection na binigay ni Rev. Fr. Jhoen Buenaventura ng Diocese of Balanga. Pag sapit ng alas dos ng hapon nagsimula na ang conference proper na pinangunahan ng ating Regional Youth Director na si Rev. Fr. Ronnie Urbano. Dito rin naganap ang election for RYCC, na kung saan si Fr. Ronnie pa rin ang nahalal na Director, Jonathan Luciano ay ang coordinator at Mike Quilala ang Leader. Nang matapos ang conference ay sinundan ito ng Agape Mass, na kung saan halos lahat ng delegates ay first time nila itong mararanasan, at sumunod dito ang pinakagusto ng lahat ang “Party-Party” Fellowship Night na, Masaya ang buong gabi, puno ng pagkain, natatanging bilang na nagmula sa bawat diyosesis at ibat ibang award, at sinundan pa ng fireworks display. Tunay na nakakapagod ang buong araw ngunit napakasarap sa pakiramadam.

Ikatlong araw, itong araw na ito ang isa rin sa mga pinakahihintay ng mga kabataan, sapagkat dito gagawin ang tour, pero bago yun, tinuloy muna ang meeting ng region, maraming bagay bagay ang napagusapan at naiplano. Nang matapos ang meeting, nagsikain muna ng lunch at ngakaroon ng maiksing siesta. Sa ganap na alas dos ng hapon ang lahat ay handa na para sa tour, wari mo mga elementary student na sabik at sobrang saya sa kanilang field trip. Pumunta ang mga delegates sa Bataan Nuclear Power Plant at sa Las Casas Filipinas de Acuzar. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasayahan at pagkamangha. Noong gabi ding iyon ay nagdiwang ng banal na Misa, at sa mga oras na iyon naganap ang panunumpa ng bago nating mga lider at ipinamahagi na rin ang certificate of attendance. OOOPs teka lang the night is not yet over, dahil meron pang dinner at pagkatapos ay my film showing pa at ang iba naman ay nagenjoy sa malamig na tubig ng swimming pool at animo’y my pool party.

Home sweet home naman ang ikaapat na araw.

Sa mga kapwa namin kabataan ng Central Luzon, nabitin man kayo sa pananatili sa aming diyosesis, bukas naman ang pintuan nito para kayo ay muling tangapin. Sabi nga always make it BITIN para may babalikan ka pa. Hanggang sa muli.

Sa kapwa ko kabataan sa ating diyosesis, salamat at nakasama ko kayo sa paghahanda at pagaayos ng conference na ito. Muli naipakita na naman ang tunay na diwa ng paagkakaisa sa panahong ito. Saludo ako sa kabataan ng Bataan! KUDOS!

Balanga Rocks!
AdobeReaderScreenSnapz001

click to enlarge