Home

DYM Main

DYM Report Form

What: Relief Operation (Dagupan and Tarlac)

Where: Cainta, Pasig Dagupan and Tarlac

When: October 3 & 12, 2010

“The flood is high but the flood of your charity was even higher.” Ito ay isa sa mga text message ni Fr. Soc pagkatapos tumugon ng mga kabataan ng ating Diyosesis sa kanyang panawagan na tulungan natin ang mga kapatid natin sa Pangasinan na nasalanta ng bagyong Ondoy at Rosing, “Love for Pangasinan is Love for Fr. Soc” wika pa niya.

Hindi naman napahiya at nagdalawang salita ang mahal nating arsobispo. Sa oras na natangap ang kanyang mensahe ay agad na namang kumilos ang ating kabataan upang mangalap ng mga mahihingan ng tulong, tulad ng bigas, noodles, biscuit, canned goods, at maging mga used clothes. Di nagtagal ay nakalikom agad ng maraming relief goods ang mga kabataan, at ito ay dinala sa Dagupan kasama ang ilang kabataan at Youth coordinating council ng ating diyosesis.

Di lamang ang Archdiocese ng Lingayen-Dagupan ang ating natulungan, bagkus ay dumaan pa rin tayo sa Diyosesis ng Tarlac upang ihatid din ang mga used clothes, ito naman din ay tugon sa text message ng kanilang Youth Coordinator na si kuya Jason Manalang. Bago pa man ito ay nagtungo din tayo sa Cainta at Pasi upang magbigay ng mga pagkain, bigas, tubig at damit.

Tunay ngang mapangyayari at magtatagumpay ang ating kagustuhan kung sama samang kikilos ang bawat isa. Isa lamang din itong patunay na ang kabataan ng ating diyosesis ay maasahan din sa mga ganitong sitwasyon, tunay nga silang Bayani at Banal.

Balanga Rocks!
AdobeReaderScreenSnapz001

< click to enlarge