Home

 @ 2007 Diocese of

SI LOLO DAVID

 

 

 

 

 

 

 

 

Patawarin ninyo ako, hindi ko kayo iniwan! Ito si David sa kanyang mga anak na sina Teresita, Perla at Emmanuel, ngayong sya ay matanda na at handa nang humarap sa Lumikha. Isinilang si Lolo David Esposo sa Pagadian, Zamboanga del Sur noong ika 7 ng Abril, 1925.  

 Napilitang mag trabaho sa Manila noong 1948 bilang tug boat operator sa Pasig River sa ilalim ng Dilgado Brothers, dala ng kahirapan. Iniwan ang asawang si Felisa Iglesia at 3 anak na noon ay 8, 4 at 1 taong gulang pa lamang. Dumalang ang pag-uwi dahil hindi maka kuha ng porlo o passes upang makapag bakasyon. Panahon noon ni Presidente Magsaysay at balita na lamang ang umabot na namayapa na ang kanyang asawa. Walang magawa kundi lunurin ang sarili sa trabaho upang kumita at may maipadala.

 Lubhang mailap ang buhay para kay Lolo David. Umigting ang pag aklas ng mga Muslim sa pangunguna ni Misuari na siyang naging dahilan upang lumikas ang kanyang mga kababayan. Kabilang dito ang kanyang 3 anak kasama ng kapatid na si Manuel Esposo. Mula noon, hindi na nya alam kung saan napadpad ang kanyang 3 anak.

 Ayon sa salaysay ni Lolo David, hindi pa tapos ang highway patungong Zamboanga City at kasalukuyang survey pa lamang ginagawa. Highway ng Pagadian patungong Ozamis City pa lamang ang tinatakbo ng mga sasakyan.

 Dala ng pangungulila nalapit ang loob at napangasawa niya si Zenaida dela Torre, tubong Cebu noong 1956. Hindi sila pinalad na magka supling ang kanilang pagmamahalan.

 Taong 1974, ipinasya ng mag asawa na lisanin ang Manila at sila ay napadpad sa Macabebe, Pampanga upang maging bantay pala isdaan. Narito ang talaan ng mga may ari ng pala isdaan na kanyang pinag silbihan:

 -         Honorio Enriquez, sa loob ng 7 taon,

-         Dandy Yusi 3 taon,

-         Efren Villanueva Sr., 2 taon,

-         Jose Capili, 3 taona loob ng 7 taon,

-         Dandy Yusi 3 taon,

-         Efren Villanueva Sr., 2 taon,

-         Jose Capili, 3 taon,

 Lumikas patungong Bataan noong 1993 sa Orani upang maging bantay pala isdaan kay Ador Cruz sa loob ng 4 na taon at lumipat kay Amor Cruz sa loob ng 5 taon.

 Taong 1998 nagsimulang tubuan ng bukol ang asawang si Zeny sa leeg na siyang naging dahilan upang ma confine sa Orani District Hospital.

 Taong 1999, wala nang mapuntahan at siyang dahilan upang mapadpad ang mag-asawa sa Bahay Puso – Home for the Aged. Isang taon pa lamang sa pagsusumikap na ipagamot si Lolo Zeny ay kinuha na ng Panginoon, taong 2000.

 Sa kasalukuyan si Lolo David, sa payat na pangangatawan ay umaasa na lamng na isang araw ay maipa abot man lamang sa mga anak na, sana hindi pumasok sa kanilang isipan na sila ay kanyang iniwan. Sa kabila ng mga pangyayari sa kanyang buhay, tanging kapatawaran ang  kahilingan sa kanyang mga anak na hindi man lamang niya alam ang kanilang itsura at kalagayan. “Ayaw kong mawalay sa aking pamilya noong mga panahong yaon”, wika ni Lolo David. “Kung may magagawa lamang paraan upang maitaguyod ko ang kanilang kabuhayan”, hindi niya iiwan ang mga mahal sa buhay.

 Teresita Esposo, Perla Esposo, at Emmanuel Esposo, saan man kayo naroroon, ang inyong amang si Lolo David ay nagpapa-abot: “patawarin ninyo ako, hindi ko kayo iniwan.”

 

Fr. Lides Pomer

lidesm7
item2
The Roman Catholic
Diocese of Balanga
(Bataan, Philippines)