dsc00198

Fr. Perry

GOSPEL Reflections

Kuwaresma: "PAG-AALAB NG PUSO" (Juan 2, 13-25)

Sunday, November 7, 2004 (Luke 20:27-38)

Sunday, November 14, 2004 (Luke 21: 5-19

Sunday, November 21, 2004 (Luke 23:35-43)

First Sunday of Advent November 24, 2004 (Mt 24: 37-44)

Sunday, December 5, 2004 Mt 3: 1-12

Kamangha-manghang Mukha!

"Magkabilaan"

Si Satanas Nga Naman!

"Ang Kamatayan"

Balang Araw...

Brief Personal Background

gospel8
 @ 2007 Diocese of

Home

Fr. Perry

Ika-labingpitong Linggo sa Karaniwang Panahon

JUAN 6: 1-15

”HIMALA SA PAGPAPARAMI NG TINAPAY AT ISDA

 Samut-saring HIMALA!

 May himala sa Limang Tinapay at Dalawang Isda!

 Salat, Kulang, Iilan?

 

Minsan masarap balikan ang simpleng pangangailangan. Dahil noon ang kapiranggot ay minamahalaga. Mas nalalasap, mas napapansin, mas tumatalab sa mga kakaunti...May higit pa rin ang Kulang! Di ba ganito ang mahihirap na tao? Di ba ganito ang naranasan natin noong mayroon tayong ilang laruan, damit, kaunting merienda, sapatos, gamit, at mga kasangkapan!Simple lang, kahit kulang ay maligaya!

Masdan mo naman ang maluluho, iba’t ibang palit na gamit, sasakyan, lote, mansion, at iba’t iba pang relasyon? Walang kasiyahan! Mentras nagkakamal ng salapi, lalong nagiging makasarili at sakim! Metras malalaki ang palasyong bahay, walang katahimikan ang walang kibuan! Aalog-alog ang walang lamang silid dahil walang laman ang puso ng mga nakatirang tao!

Sobra-sobra putahe, ngunit wala namang panglasa sa asin at bagoong ng dukha! Busog na busog ang tiyan, gutom na gutom, at uhaw na uhaw ang diwa at kaluluwa. Malalambot na higaan, matigas naman ang kalooban sa pamamalakad ng negosyo. Mabangong banyo, ngunit nakasusukang bisyo!

 

Paslit na Bata ang pinagmulan! Bakit hindi sa matanda?

 

Naalaala mo pa ba nang ikaw’y bata pa?Labas lahat ang laman ng bulsa! Walang naitatago, basta’t masaya ang lahat at nailalabas, at naikakalat sa mesa ang lahat ng abubot! Tanda ko pa, hirap na hirap kami sa pagmamamno at pamamasko, ngunit labas pa rin kapag hiningi ng nanay bilang dagdag na gastusin sa pamilya! Madaling maglabas ang bata! Madaling utusan ang bata, walang pasubali! Madaling mamangha sa mga bagay bagay na parang tunay! Manika ay masahol pa sa isang ”anak” na may buhay at pakiramdam! Maliit na laruang trak ay tila isang malaking bus paluwas ng Maynila. Mga lumilipad na bagay ay may tunog, masahol pa sa makina ng jet. Napakarami ang nagagawa ng isip ng bata! Mga pangarap sa ilalim ng puno ng mangga. Mga sulyap sa langit sa mga ulap na iba’t iba ang larawan! Mga patak ng ulan kasabay ng mga patak ng luha dahilan sa pangungulila sa kaibigan o kaya sa sinturon at latay ni tatay!

 

Bakit hindi matanda? Mentras matanda ay may kandado ang bulsa, aparador, cabinet, at refrigerator. Madalas ang matanda ay maglalabas ngunit pabalat bunga at sinungaling! Ang matanda ay mahirap nang hubugin ang baluktot na isip at halang na kaluluwa! Madalas magmalaki ang matanda sapagkat maraming pera at karangalan. Nguni’t napakalakas ng lagapak kapag nalugi at nawaldas ng sinuman. Mag-iipon ng maraming pera, gamit at lupa, pag-aaway awayan naman ng mag-anak sa ibabaw ng iyong malamig na bangkay! Tsk! Tsk!Tsk! Hanggang kailan, hanggang saan na ang matatanda ay huwag lumago nang pababa bilang mapagpakumbabang bata at anak ng Diyos? Ang matatanda bukod sa malabo ang mata ay malabo rin ang puwang sa nakasanayang mundo. Wala nang dapat baguhin, sanay na ako dito. Napakasikip n ng daigdig? Wala ring pagtingin sa kabataan at walang nililingong landas kung bakit narating ang katandaan? Walang himala sa mapanuring mata at nagngangalit na ngipin! Hindi nakikita ang mga hiwaga ng ngayon, bagkus pa nga ay nakatutok sa ngitngit ng  pagkabugnot at takot sa karimlan ng kamatayan!

 

Samu’t saring Kuwento mula kay De Mello

 

Ang Langit at ang Uwak

 

Minsa’y lumipad ang uwak sa kalangitan na may dala-dalang kapirasong karne sa kanyang tuka. Hinabol siya’t matinding sinalakay ng dalawampung uwak!

 

Sa wakas, inihulog ng uwak ang karne. Iniwan siyang nag-iisa ng mga uwak, na nagsiliparan para habulin ang kapirasong karne. Wika ng uwak: ” Nawala sa akin ang kapirasong karne ngunit napasaakin naman ang mapayapang kalangitan!”

 

Libo-libong tao ang binusog ni Hesus sa pagpaparami ng tinapay at isda. Mula noon ay nagsunuran na ang lahat kay Hesus na mapaghimala. Hinahanap siya hindi dahil sa kanya ngunit sa kabusugan ng tiyan!Libo-libo ang mga pinagaling na may sakit. Libo libo ang mga nakatanggap ng mga aral kay Hesus! Libo-libo...Ang Madla nga naman? Madaling mawala!

 

Ilan ang natira sa paaanan ni Hesus na nakabayubay? Nasaan ang libo-libong taong nakinabang sa ”himala?” Nasaan sila? Wala yata talagang himala? Sapagkat ang tunay na Himala ay yaong walang himala sa mata ng marami. Ngunit nag-iisang Himala sa mata ng Diyos. Nakabayubay siya sa kandungan ng Daigdig at nakangiting lumuluha sa pisngi ng Langit! Amen!

gospel5
item2
The Roman Catholic
Diocese of Balanga
(Bataan, Philippines)